Sunday, August 15, 2010

Sundays

it's Sunday and Sundays are usually relaxing days to me. A few weeks ago, i always have an exciting Sunday to look forward to. A special someone picks me up and we go to church and have dinner together, that's when we spend a quality time. More than a month ago, he gave me a bunch of flowers. Two weeks ago, it all made difference in a split of time. Something happened that changed our lives.

Nasasaktan akong malaman na pinaasa mo lang ako. Sa panahong magkasama tayo, alam kong totoong minahal mo ko, pero sa oras na ito, nasasaktan ako na kahit hindi mo sabihin, alam ko kung ano ang pinili mo. Minsan, iniisip ko sana hindi na lang muna natin minadali ang lahat. ngayon tuloy napapagod na ang mga mata ko sa kakaiyak. Sa tuwing sasapit ang Linggo, nasisira ang kondisyon ko, nalulungkot ako. Kasi naalala ko kung gaano ko tinatapos lahat ng dapat kong gawin para makasama ka sa hapon sa pagsimba ko. Hinihintay ko tunog ng kotse mo o ang text mo para sabihin na andito ka na. Sa gabi, twing nakikita ko ang sofa namin, naalala ko kung san ang pwesto mo pag magktabi tayo sa pag-upo. Namimiss lang kita, sabi ko sa sarili ko.. pero ayaw tumigil ng luha ko. Sa kwarto ko, natatandaan ko pa kung paano tayo nagkasya sa kama ko sa isang gabi na magkasama tayo. Lahat ng yan, naalala ko... iniiyikan ko. Nalulungkot ako at nasasaktan ako. Lahat ng ito, nararamdaman ko twing sasapit ang Linggo. Alam kong darating ang panahon, mawawala din lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero natatakot ako na pag dumating ang oras na yun, wala ka na rin sa puso ko. Inakala kong ikaw na ang huli.. nangarap akong ikaw na nga ang huli. Ngayon, nagdadasal ako na sana nga kung hindi ka para sa kin, mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kahit unti-unti, basta lang hindi ganito kasakit.

Sa dami ng umaamo sa kin sa mga panahong ito, hindi nila kayang punuan ang kalungkutan ko.

I love you more than I thought. I never imagined that i'll feel this pain again, maybe because i never thought that i love you this much... and what hurts most is that you don't have any idea how much it hurts.

No comments:

Post a Comment